Friday, September 02, 2005

Ako Ba Ang Malabo?

Ang kulit talaga minsan!

Tumawag ako sa Lucky Money kanina para ifollow-up kung natanggap na ng tita ko yong pinadala kong pera kasi tinatawagan ko ang cellphone niya, eh, wala yatang load. Anyway….

Eto ang conversation ko sa taga Lucky Money:

Siya: Hello
Ako: Itatanong ko lang kung natanggap na ng recipient yong pinadala kong pera nong isang araw.
Siya: Kelan niyo po pinadala?
Ako: Noong August 30
Siya: Ok. Pero kailan niyo po pinadala.
Ako: August 30 nga
Siya: Oooh. August 30 nga pala.

Ang gulo! So binigay ko information like receipt number, recipient name, etc.

Siya: Nasa banko na po yong pera pero hindi naming malalaman kung pinik-up na yong pera. Pero ti-next na po yong recipient.
Ako: Yon nga yong problema ko, kaya kahapon pa ako tumwag sa inyo. Kasi wala na yatang cellphone yong pinadalhan ko ng pera.
Siya: Paano niyo alam na wala nang cellphone.
Ako: Eh kasi tumawag ako, eh wala yatang load, kasi cannot be reached.
Siya: Pero ti-next na po siya eh.
Ako: Baka hindi natanggap yong text kasi nga hindi yata nag-wowork yong cellphone.
Siya: Eh sabi niyo tumawag kayo. Paano niyo alam na wala na siyang cellphone.

By this time, sobrang iritado na ako! Gusto ko siyang murrain kasi hindi niya magets yong sinasabi ko. Pero naisip ko, baka naman ako ang malabo! No wonder bakit maraming relasyon na hindi nag-wo-workout. Mahirap pa ring makipag-communicate kahit pareho na kayo ng salitang ginagamit.

Ako: Kasi nga, (malumanay tinig ko – nagpipigil lang ako non) tumawag ako, eh hindi na nag-wowork yong telepono. Siguro walang load. Dahil don, baka hindi natanggap yong text na ipinadala ng bangko sa kaniya para pik-upin na niya yong pera. So ngayon, hindi niya alam na may pera palang nag-aantay sa banko. Anong paraan ang pwedeng gawin para masabihan siya.
Siya: Ay, mahirap po yon, kasi text lang talaga pwede. Sige, padalhan na lang po naming siya ng sulat.

Kamot ako sa ulo. Haaaaay. Makapag-lunch na nga lang.

2 Comments:

Blogger Ako said...

Mother, ikaw ang malabo. Ahaha. Kahit pa alang load ang tita mo, dapat maka-receive siya incoming text at calls.

Anyway, good luck sa iyo at sa tita mo.

Btw, bakit parang mali lay out ng blog mo? Me nagalaw ka sa template?

6:13 PM  
Blogger Waves said...

Haha. Kasi tumawag ako pero hindi nagriring. Diretso kaagad dun sa msg na "the number you are calling..." something something. Hehehe. So ewan.

Hahha

5:41 PM  

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home