Monday, February 07, 2005

Isang Kuwit Lamang

Minsan kailangang magtago sa likod ng mga titik na pinagdurugtong ng mga luhang unti-unting pumapatak na parang ulan sa dapit-hapon. Minsa'y nais kong itago ang aking damdamin sa gitna ng isang himig upang di marinig ng kahit sino ang hikbi na pilit kong itinatago.

Kadalasan ang aking buhay ay parang isang bugtong. Minsan ay nakakaaliw kung alam ko ang sagot. Ngunit kadalasan ang bugtong na ito ay parang isang tinik na gumugulo sa aking diwa at kaluluwa.

Minsan ang buhay ay isang tanong. Ngunit kamakailan lamang ang aking buhay ay naging isang kuwit na lamang. At aking hinihintay ang karugtong, bukas, sa makalawa, hindi ko alam.

Sa ngayon ang buhay ko'y isang kuwit lamang.

*will be translated in English soon. Bing, care to help me translate it in English? :)

1 Comments:

Blogger Ako said...

Nakupo! Haha. Will try pero bala mawala ang essence ng iyong akda pag naisalin na. Kuwit sounds more poetic than comma, dont you think? =D

Ganda.

2:26 AM  

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home